Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinagpaplanuhan ng China na mag-donate ng 500,000 doses ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ito ang sinabi sa kanya ni Chinese state councilor at Foreign Minister Wang Yi, matapos ang naging dalawang araw na pagbisita nito sa bansa.
Pahayag ng DFA, bahagi ang hakbang na ito ng China sa ipinangako ni President Xi Jinping kay Pang. Rodrigo Duterte na tutulungan nito ang Pilipinas upang magkaroon ng bakuna kontra COVID-19.
Hindi naman binanggit ni wang kung sino ang manufacturer ng bakuna at kung kailan ito darating sa bansa.
Una nang nakapagtala ng 79.34% efficacy rate ang Sinopharm vaccine ng China, habang ang kanilang Sinovac biotech vaccine ay nakakuha ng 60% efficacy rate sa Brazil trial at 91% naman sa Turkey.
Samantala, ipinangako din ng Chinese government na magkakaloob ito ng P3-B grant sa Pilipinas para sa mga proyekto ng pamahalaan tulad ng livelihood, infrastructure, at pagsasagawa ng mga feasibility studies para sa mga major at mutually agreed projects.
LOOK: President Rodrigo Roa Duterte received People’s Republic of China State Councilor and Foreign Minister Wang Yi,…
Posted by Presidential Communications (Government of the Philippines) on Saturday, 16 January 2021