Handang tumulong ang China sa papasok na Administrasyong Marcos sa inaasahang kakulangan sa produktong pang-agrikultura at pagtaas sa gastos ng produksyon.
Ito ang inihayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian matapos sabihin ni Marcos Jr. na pansamantala niyang pamumunuan ang Department of Agriculture (DA) para tugunan ang “severe” food insecurity ng bansa.
Ang pag-uusap aniya ni Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping noong nakaraang buwan ay isang patunay ng “political determination” ng dalawang bansa para palakasin pa ang ugnayan nito.
Samantala, sumang-ayon ang Pangulo ng Chinese Enterprises Philippines Association na si Deng Jun na mapabuti pa ang kooperasyon nito sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga teknolohiya ng China sa bansa.