Nakikipag-negosasyon na ang Chinese embassy sa Manila ukol sa “technical issues” sa infrastructure project sa Pilipinas.
Kaugnay nito, binigyang-diin ng embahada na mayroon nang positive progress upang isulong ang mga proyekto.
Anila, bukas ang China para sa technical discussions sa mga proyekto at handa itong makipagtulungan sa bagong administrasyon ng Pilipinas.
Una nang sinabi ni transportation Undersecretary for Railways Cesar Chavez na hindi inaksyunan ng China ang kahilingan ng administrasyong Duterte para sa loan financing ng tatlong malalaking railway projects kung saan itinuring itong “withdrawn” at kailangang muling pag-usapan ng kasalukuyang gobyerno.
Nabatid na ipinag-utos ni President Ferdinand Marcos Jr. ang muling pakikipag-negosasyon ng DOTr sa China para sa loan agreements ng tatlong railway projects.