Nanawagan ang China samga miyembro ng United Nations Security Council na tuldukan na ang krisis sa Syria.
Ayon kay Chinese Foreign minister Wang Yi, dapat nang kumilos ang United Nations katuwang ang malalaking bansa para resolbahin ang kaguluhang nagaganap sa Syria.
Matatandaang nagkasundo noong Lunes ang Russia at Estados Unidos na tutukan ang diplomatikong pagtapos sa civil war sa Syria, ngunit nadiskaril ito dahil sa tanong kung dapat bang manatiling nasa kapangyarihan si Syrian President Bashar Al-assad.
By: Ralph Obina