Nangako ng 2 bilyong dolyar ang bansang China para tulungan ang mga mahihirap sa mundo.
Ito ang inihayag ni Chinese President Xi Jin Ping sa kaniyang kauna-unahang talumpati sa ginawang pagtitipon ng United Nations Summit sa New York.
Sinabi ng Chinese President, nakatakdang magkaroon ng investment ang China sa Africa sa 2030 na tinatayang aabot sa 12 bilyong dolyar para makatulong sa mga mahihirap doon.
Una rito, nakipagpulong muna si President Xi kay US President Barack Obama sa White House bilang ito ang kaniyang kauna-unahang pagbisita sa nasabing bansa.
By Jaymark Dagala