Nangako ang China ng 3 bilyong dolyar na tulong sa papaunlad na mga bansa para labanan ang COVID-19.
Sa online meeting ng APEC heads of state, sinabi ni Chinese President Xi Jinping, nais niyang matulungan ang ibang bansa sa pagtugon sa COVID-19 at makabangon ang kanilang ekonomiya.
Ipinabatid din ni Xi na nakapagpadala na ang China ng mahigit 500 milyong COVID-19 vaccine doses sa mga devoloping countries.
2019 nang magsimula ang pagkalat ng coronavirus sa Wuhan sa China. Nangako naman ang bansa ng bilyon-bilyong dolyar na tulong, medical equipment at bakuna sa iba’t ibang bansa sa mundo matapos hindi na makontrol ang pagkalat ng naturang virus.