Umaasa ang Department of National Defense (DND) na tutuparin ng china ang kanilang pangako na aalisin ang kanilang mga barko na nasa West Philippine Sea (WPS).
Kasunod ito ng nangyaring pagharang o pagtaboy at ginawang pambobomba ng mga Chinese Coast Guard Vessel gamit ang mga water canon sa 2 supply ship ng Pilipinas na patungo sana sa Ayungin Shoal nuong Nobyembre a-16.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, mismong si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xi- Lian ang nagtiyak sa kaniyang hindi na mauulit pa ang naturang insidente.
Sa kabila nito, sinabi ni Lorenzana na maaari nang magbalik sa Ayungin Shoal ang mga supply ship ng Pilipinas ngayong linggo na hindi na kailangan pang i-escort ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Reources. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9), sa panulat ni Angelica Doctolero