Naging matigas pa rin ang China na hindi ito makikiisa sa arbitration case na inihain ng Pilipinas kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sagot ito ng Beijing matapos na hilingin ng Pilipinas na respetuhin nito ang arbitration case na isinampa sa The Hague.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hong Lei, may hawak na sapat na ebidensya ang chIna na kanilang pag-aari ang sinasabing mga teritoryo.
Ang tunay aniyang usapin sa pagitan ng China at Pilipinas ay ang territorial sovereignty at marine demarcation o ang hangganan ng nasasakupan sa dagat.
Una nang sinabi ng China na ang Pilipinas ang syang nagpapagulo sa rehiyon dahil sa claim nito at kasong inihain sa international court.
By Rianne Briones