Nanindigan ang China na wala silang ginagawang labag sa batas sa paglalagay ng weapon systems sa pitong islang bahagi ng pinag-aagawang South China Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, normal lamang na maglagay sila ng mga pasilidad at defense equipment sa kanilang teritoryo.
Hindi rin anya nila layunin na isailalim sa militarisasyon ang Spratly Islands taliwas sa akusasyon ng Estados Unidos.
Una ng inihayag ng Amerika sa pamamagitan ni US Pacific Fleet Commander, Admiral Harry Harris na handa nilang komprontohan ang Tsina sa West Philippine Sea.
Bagaman bineberipika pa ang impormasyon hinggil sa panibagong hakbang ng China, inihayag naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakababahala ito para sa international community lalo sa mga gumagamit sa South China Sea bilang trade route.
By Drew Nacino