Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang China kaninang umaga.
Ayon sa China Earthquake Administration, natukoy ang sentro ng lindol hilagang kanluran ng Xinjiang Region at may lalim na 11 kilometro.
Wala namang napaulat na casualties sa naturang paglindol.
Una rito niyanig naman ng 6.5 magnitude na lindol ang bahagi ng probinsya ng Sichuan na ikinasawi ng 5 katao.
By Ralph Obina