Pananagutin ng China ang Pilipinas kapag puwersahang pinaalis ang kanilang mga barko sa Julian Felipe Reef na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Tiniyak ito ni Hu Xijin, editor ng Global Times Newspaper ng Chinese Communist Party, matapos ihayag na pinapalala ng Pilipinas ang isyu nang pagtambay ng Chinese vessels sa West Philippine Sea.
Muling iginiit ni Hu na ang Niu’e Jiao ay nasa nine-dash line na pinanindigan ng China na bahagi ng kanilang teritoryo.
Sinabi pa ni Hu na tila nagiging pupper na rin ng Amerika ang ilang opisyal ng gobyerno na bumabatikos sa China.