Nagbabala ang China na mahaharap sa parusa ang sinumang lalabag sa soberenya nito sa West Philippine Sea.
Sa ulat ng Xinhua News Agency, naglabas na umano ng regulasyon ang Chinese Supreme Court na nagsasaad na papanagutin ang mga dayuhan at mga Chinese citizen na magsasagawa ng “illegal hunting o fishing” at pagpatay ng mga endangered wildlife sa mga nasasakupan nitong karagatan.
Binanggit na ang alintuntunin ay nagbibigay sa China ng legal na basehan upang masiguro ang kaayusan, kaligtasan at katiwasayan sa naturang teritoryo.
Sinasabing ang sinumang lalabag dito ay maaaring pagmultahin at makulong ng hanggang isang taon.
Kahit umano hindi magsasagawa ng illegal fishing pero iligal ang pagpasok ng mga dayuhan o chinese citizen sa mga karagatang sakop ng China ay namemeligro ring maparusahan.
By Jelbert Perdez