Nagpapatuloy ang China sa paglalagay ng high – frequency radar at iba pang facilities na maaaring gamitin para sa military purposes sa artificial islands sa South China Sea.
Ito, ayon sa Asia Maritime Transparency Initiative ng Washington Center for Strategic and International Studies, ay batay sa satellite images.
Sa nakalipas anilang ilang buwan ay nakapaglagay na ng mga bagong high – frequency radar ang Tsina sa Fiery Cross Reef o Kagitingan Reef na bahagi ng pinag – aagawang Spratly Islands.
Nakitaan din ang Subi Reef ng mga tunnel na tila ginawa para sa magsilbing ammunition storage habang mayroon ding underground storage para sa ammunition at hangars, missile shelters ang namataan sa Mischief o Panganiban Reef.