Dapat patunayan ng China na itinigil na nito ang reclamation activities sa West Philippine Sea sa pamamagitan nang pag-pullout ng lahat ng kanilang mga equipment mula sa rehiyon.
Ito ang sinabi sa DWIZ ni Department of National Defense (DND) Spokesman Peter Paul Galvez kasunod ng iginiit ni Chinese Foreign Minister Wang Yi sa ASEAN Meeting na wala nang nagaganap na reclamation works sa lugar.
Ayon kay Galvez, kahit totoong wala nang reclamation sa naturang teritoryo ay hindi na mababago ang katotohanang nagpakita na ang China ng kawalang respeto sa ibang bansa.
“Kailangan tuluy-tuloy nating ibinabalita ‘yan sa mga tao, sa mga ibang bansa nang ma-pressure na talaga, itigil na ‘yan, hindi naman biro ang ginagawa nilang ‘yan, lagpas na ng 900 hectares ‘yan or more, puwedeng 1,000 ektarya na ‘yan.” Paliwanag ni Galvez.
By Jelbert Perdez