Pinaalis na ng China sa kanilang bansa ang lahat ng Amerikanong mamahayag na nagtatrabaho para sa tatlong kilalang pahayagan sa Estados Unidos.
Batay sa anunsyo ng China, kailangan nang ibalik ng mga american journalist na mula sa New York Times, The Wall Street Journal at Washington Post ang kani-kanilang permit at press cards sa susunod na 10 araw.
Ayon sa pamahalaan ng China, hindi na nila papayagan pang magtrabaho sa mainland China, Hong Kong o Macau ang mga nabanggit na Amerikanong mamamayag.
Kinakailangan din anilang isumite ng tatlong American newspapers gayundin ng Voice of America at Time Magazine ang lahat ng impormasyon ng kanilang tauhan, finance operation at real estate sa China.
Ang nabanggit na hakbang ng China ay kanilang ganti sa ipinataw na restriction ng Estados Unidos sa mga Chinese journalist na nasa Amerika.