Ikinatuwa ni US President Donald Trump ang naging resulta ng makasaysayang paghaharap ng mga leader ng South at North Korea.
Ito’y matapos magkasundo sina Korean President Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae In na itigil na ang nuclear development sa Korean peninsula na nagiging dahilan ng hidwaan ng dalawang bansa.
Pinuri din ni Trump ang partisipasyon ni Chinese President Xi Jinping sa naging pulong ng dalawang lider.
Sinabi ni Trump na hindi matutuloy ang paghaharap nina Kim at Moon kung hindi dahil sa pagsusumikap ng lider ng China.