Pinaplano ng China na magtayo ng base station para sa isang advanced rescue ship sa Spratly Islands.
Sa gitna na rin nang pagsusulong ng China na i-develop ang civilian at military infrastructure sa rehiyon.
Ayon sa China Daily, ang nasabing barko na may bitbit na drone at underwater robots ay ide-deploy sa unang bahagi ng taon.
Ang Civilian Bureau ng China ay mayroong 31 barko at 4 na helicopter na nagsasagawa ng rescue missions sa South China Sea at mga opisyal mula sa nasabing departmento.
Sinabi ng mga opisyal na ang rescue ship base station ay magbibigay ng ayuda sa mga magkaka-problemang fishing boat at mapadali ang distansya na kailangan nilang lakbayin.
By Judith Larino