Posibleng lumabag sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ang China sa oras na mapatunayang nagsagawa ito ng oil, gas and mineral research sa Benham Rise na bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, alinsunod sa Article 60 ng 1982 UNCLOS, ang Pilipinas lamang na isang coastal state ang may karapatan na magtayo ng mga istruktura o mag-explore sa Benham.
Sa EEZ, may eksklusibong karapatan ang Pilipinas sa lahat ng likas na yaman gaya ng isda, langis at mineral pero sa extended continental shelf mayroon lamang eksklusbong karapatan sa oil, gas at minerals.
Wala anyang problema kung pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese ship na magsagawa ng survey sa karagatan na nakatutok sa fishery research pero ibang usapin na kung nagsagawa ang China ng oil exploration.
Samantala, aminado naman si Carpio na masyado pang maaga kung ano ang mga magiging konskwensya ng kontrobersyal na issue sa benham rise dahil hindi pa naman niya batid kung ano ang pinasok ng kasunduan ng Pilipinas at China.
By Drew Nacino