Posibleng may plano ang China na lumikha ng artificial islands sa Scarborough Shoal para doon ilagay ang kanilang air at naval base katulad nila sa iba pang pinag-aagawang lugar sa South China Sea.
Ayon kay Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, ang Scarborough Shoal na ang pinakahuling shoal na puwedeng i-claim ng China at paglagyan ng panibagong air at naval base.
Kailangan aniya ng China ang Scarborough Shoal para bantayan ang exit ng Bashi Channel kung saan puwedeng dumaan ang mga Chinese submarines na nasa lalawigan ng Hainan.
Ipinaliwanag ni Carpio na upang umabot sa Amerika ang missile ng China, kailangan nila itong pakawalan sa Pacific at ang tanging exit na puwede nilang kunin ay ang Bashi Channel.
By Len Aguirre
China posibleng maglagay ng air at naval base sa Scarborough was last modified: May 11th, 2017 by DWIZ 882