Posibleng tangkaing muli ng China na ariin ang Scarborough Shoal bago magtapos ang termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, gagawin ito ng China sa panahon ng Duterte administration dahil malinaw ang posisyon ng pangulo na hindi nya kayang pigilan ang China.
Tinangka na anya ito noong 2016 ng China subalit napigilan sila ni U.S. President Barack Obama.
Kasabay nito, ibinabala rin ni Carpio na posibleng magsilbing patibong o ‘trap’ sa Pilipinas ang binubuo nitong ‘Code of Conduct in the South China Sea’.
Hindi anya malayong maipit ang Pilipinas at sumunod sa code of conduct na pabor sa China samantalang ang iba pang claimants sa South China Sea ay sumusunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Sinabi ni Carpio na posibleng hinihila ng China ang Pilipinas para ipalit sa UNCLOS settlement mechanism ang code of conduct.