Posibleng magdeploy ng mga military aircraft at missile ang China sa mga ginawa nilang artificial islands sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ito ay ayon kay Gregory Polling, isang international expert at miyembro ng Asia Maritime Transparency Initiative.
Paliwanag ni Polling, hindi magtatayo ng mga malalaking pasilidad ang China sa kanilang mga astipisyal sa isla sa West Philippine Sea kung wala silang ilalagay o idedeploy na mga military equipment dito.
Giit pa ni Polling ang mga nasabing aktibidad ng China ay bahagi ng pagpapalawak ng kapangyarihan nito sa mga nakaraang taon.
Isiniwalat din ni Polling ang patuloy na contruction activities at pagpapadala ng mga war ships ng China sa nasabing pinag-aagawang teritoryo.
Kasabay nito hinimok ni Polling ang mga bansang umaangkin sa bahagi ng Spratlys na magkaroon ng negosasyon ang bumuo ng code of conduct o COC kahit hindi kasama ang China.
Binigyang diin pa ni Polling na ang kawalan ng code of conduct ay mas pinakikibangan ng China kaya patuloy na iginigiit nito na hindi pa sila handang gumawa ng COC.
—-