Nagbanta ang China na gaganti sa US sa pag-boycott nito sa 2022 Beijing Winter Olympics dahil umano sa record paglabag sa karapatang pantao.
Ayon sa Chinese Foreign Ministry Spokesman Zhao Lijian, ikakasa nila ang “counter measures” kung kinakailangan.
Ang boycott umano ay isang uri ng maka-sariling pasya at dapat tigilan upang hindi maapektuhan ang dayalogo at kooperasyon ng China at US sa mga mahahalagang issue.
Matagal nang pinepressure ng mga aktibista at miyembro ng US Congress ang administrasyon upang hindi lumahok sa games.
Sa kabila nito, tiniyak ni President Joe Biden na tuloy pa rin ang suporta nila sa mga us athlete na lalahok sa event.