Umaasa ang China na mananatili ang magandang ugnayan ng kanilang gobyerno sa Pilipinas sa kabila ng pagkakaiba ng dalawang bansa.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang paggawa ng mga paraan upang maisantabi ang mga pagkakaiba at isaayos ang hidwaan.
Ito, anya ay kahit pa ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar na okupahin ang mga islang pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Inihayag din ni Hua na umaasa rin ang kanilang gobyerno na manananatili ang kapayapaan sa kanilang lugar.
By Drew Nacino