Sinimulan na ng China ang pagsasaayos sa mga nasirang coral reefs nang maglagay sila ng mga artipisyal na isla sa bahagi ng karagatang sakop ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.
Batay sa ulat ng pahayagan ng China na Global Times, nagsimula nang mag-operate ang itinayo nilang ecological conversation at restoration facilities sa Kagitingan Reef o Feiry Cross Reef, zZamora o Subic Reef at Panganiban o Mischief Reef.
Sinabi ng Chinese Ministry of Natural Resources, layunin ng pasilidad na maibalik sa dating ecological environment sa South China Sea.
Gayundin ang pagpapalakas sa pagbibigay proteksyon dito.
Magugunitang sa ruling ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague noong 2016 hinggil sa inihaing protesta ng Pilipinas, binigyang diin ang matinding pinsala sa coral reef environment na idinulot ng malawakang reclamation activity at paglalagay ng artipisyal na isla ng China sa South China Sea.