Sinimulan nang muli ng China ang konstruksyon ng mga pasilidad sa mga isla sa pinag-aagawang mga lugar sa South China Sea.
Batay sa mga larawang kuha ng Planet Labs, isang pribadong satellite firm, nagsasagawa ng paghuhukay sa North Island ang China na ayon sa mga eksperto ay posibleng preparasyon para sa konstruksyon ng daungan bilang suporta sa paglalagay ng kampo militar sa lugar.
Nitong Enero ay may mga nakunan ring larawan sa mga aktibidad ng China sa Tree Island at iba pang isla na inaangkin rin ng Vietnam at Taiwan.
Ayon kay Carl Thayer, isang South China Sea expert sa Defense Force Academy ng Australia, ang determinasyon ng China na palakasin ang kanilang presensya sa South China ay paunang hakbang pa lamang para sa plano nilang pag-domina South China Sea, maging sa mga bahagi na inaangkin ng iba’t ibang mga bansa.
By Len Aguirre
Photo Credit: Planet Labs/Handout via Reuters