Sisimulan na ng China ang pagpapatayo ng outpost sa Panatag Shoal.
Ito, ayon sa ulat ng pahayagan ng Hong Kong na South China Morning Post.
Batay sa source ng nasabing ulat, para sa magandang air coverage ng China ang nasabing outpost upang mapaghandaan na rin ang pagpapagawa ng airstrip.
Inaangkin ng China ang Panatag Shoal sa kabila ng paninindigan ng Pilipinas na sakop ng exclusive economic zone nito ang naturang bahura na kilala rin bilang Bajo de Masinloc at Scarborough Shoal.
Inaasahang ilalabas na ilang buwan mula ngayon ang desisyon ng permanent court of arbitration at The Hague ukol sa pinag-aagawang teritoryo.
By Avee Devierte