Tahasang inakusahan ngayon ng United States Federal Communication Commission ang Chinese Government gayundin ang Communist Party ng China na nagmamay-ari at nagkokontrol sa 2 Chinese Telecommunications Companies.
Ito ang binigyang diin sa inilabas na desisyon ng FCC matapos bumoto ang mga kasapi nito na nag-aatas sa China Telecom Corporation na tanggalin na ang mga kagamitan nito sa Estados Unidos.
Ayon kay Fcc Chairman Ajit Pai, maliban sa ownership issue, hindi rin sumunod ang China Telecom sa cybersecurity at privacy laws, nagbigay pagkakataon upang makapang-espiya sa Amarika at sirain ang communication traffic ng bansa.
Nitong 2019, ipinagbawal ng FCC ang paggamit sa US subsidies para bumili ng communications equipment mula sa ZTE Corporation at 1 China controlled Telco, bagay na mariing pinabulaanan naman ng 2 nabanggit na kumpaniya.
“The record on this is clear, The Chinese government intends to surveil persons within our borders, for government security, for spying advantage, as well as for intellectual property and an industrial or business edge.” wika ni FCC Commissioner Brendan Carr, isang Republican.
Nabatid na mayruong 40 porsyentong sapi o shares ang China Telecom sa DITO Telecommunity na siyang nanalong ikatlong Telco sa Pilipinas na nag-aalok ng wireline mobile telecomm at internet access.