Iginiit ng China na lehitimo at ligal ang paglalagay nila ng mga military facilities sa mga artipisyal na isla sa South China Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, may karapatan ang China na magtayo ng nasabing mga pasilidad lalo’t may soberenya sila sa mga iyon.
Gayunman, nangako ang China na makikipagtulungan sila para resolbahin sa mapayapa at maayos na pamamaraan ang mga hindi pagkakaunawaan sa mga bansang mayroong claim sa nasabing karagatan.
Magugunitang kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na nagpadala ang Pilipinas ng note verbale sa China upang iprotesta ang mga inilagay na armas sa mga artipisyal na isla.
By Jaymark Dagala