Tiniyak ng China ang kahandaang makipag tulungan sa Duterte Administration.
Ayon kay Hua Chunying, Spokesperson ng Chinese Foreign Ministry palagiang isinusulong ng China ang maayos na relasyon at pakikipag ugnayan sa mga katabing bansa kabilang ang Pilipinas.
Sinabi ni Hua na naniniwala na kapwa interesado ang China at Pilipinas na maibalik ang bilateral relations nito para sa development kapwa ng dalawang bansa.
Una nang inihayag ni incoming President Rodrigo Duterte na hindi makikipag bakbakan ang Pilipinas sa China dahil lamang sa pinag aagawang mga lugar sa West Philippine Sea.
By: Judith Larino