Tuluy-tuloy na ang paggawa ng China nang tinaguriang Great Wall of the Sea.
Sinabi ni Chester Cabalza, Filipino security expert na mabilisan lamang ang paggawa ng China ng mga istruktura sa karagatang nasasakupan ng bansa dahil may sinusunod silang timeline.
Naniniwala si Cabalza na habang dumadami ang ipinapatayong istruktura sa karagatan ay mas lalo ng nako-kontrol ng China ang West Philippine Sea.
Sa pinakahuling satellite images, nakikita na ang land reclamation sa Kagitingan, Calderon, Burgos, Mabini, Panganiban, Zamora at Mc Kennan.
By Judith Larino
Photo Credit: newsflash.org