Pumayag ang China na tulungan ang Pilipinas sa 30 proyektong nagkakahalaga ng higit sa tatlong bilyong dolyar na tututok sa pagbabawas ng kahirapan sa bansa.
Ayon kay Chinese Commerce Minister Gao Hucheng, unang bugso pa lamang ito ng mga proyekto at ipoproseso pa ng mga bangko ang mga kaukulang dokumento.
Sa panig naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez, sinabi niyang magkakaroon ng mga malakihang proyekto sa mga probinsya.
Una nang nagsumite ang Pilipinas ng 38 proyekto na layong maibsan ang kahirapan sa bansa.
By: Avee Devierte