Kinastigo ng China ang Japan sa pagbubukas nito ng museum para sa mga disputed islands.
Ang nasabing museum na nagbukas noong Huwebes sa Tokyo at pinatatakbo ng Japanese government ay nagpapakita ng mga dokumento at larawan bilang pag-depensa ng Japan sa claims nito sa dalawang isla na inaangkin din ng China at South Korea.
Kabilang sa mga islang ito ang senkaku na nasa bahagi ng East China Sea at Takeshima na nasa Sea of Japan.
Iginiit ng China na ang Senkaku o Diaoyu Islands ay bahagi na ng kanilang teritoryo sa simulat simula pa.
Nagde-demand naman ang South Korea sa Japan na ipasara ang nasabing museum kasabay din ang pagbatikos sa anito’y unjustifiable claims ng Japan sa inherent territory nito.