Umapela ng suporta ang Foreign Minister ng China kay US Secretary of State John Kerry
Sa gitna na rin ito ng resumption ng Peacetalks sa pagitan ng China at Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea matapos paboran ng International Arbitration Tribunal ang Pilipinas sa nasabing usapin
Ayon kay Chinese Foreign Minister Wang Yi ipinaliwanag na nila kay Kerry na nagkasundo sila ng ASEAN na ibalik sa tamang direksyon ang usapin at ito aniya ay magkaruon ng direktang pag uusap ang mga partidong sangkot
Magugunitang paulit ulit na sinisisi ng China ang Amerika dahil sa anito’y pagkampi sa Pilipinas sa claims issue sa South China Sea
By: Judith Larino