Posibleng magbalik rin sa Pagasa island ang mga barko ng China sa Nobyembre o Disyembre.
Reaksyon ito ni Professor Jay Batongbacal, director ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea sa pahayag ni special envoy to China, Ramon Tulfo na nasa 100 barko na ng China ang umalis sa bahagi ng Pagasa Island matapos ang kanilang negosasyon.
Ayon kay Batongbacal, posibleng umalis ang mga barko ng China sa lugar dahil sa fishing ban mula Mayo hanggang Agosto.
Sinabi ni Batongbacal na masasabi lamang na sinsero ang pag-alis ng mga barko ng China sa Pagasa Island kung hindi na sila babalik sa lugar kahit pagkatapos ng fishing ban.