Walang karapatan ang China na pangalanan ang mga undersea feature ng Philippine o Benham Rise.
Ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, tanging Pilipinas ang may karapatan na magpangalan sa ilang bahagi ng nasabing karagatan dahil deklarado itong bahagi ng teritoryo ng bansa.
Mayroon anyang “sovereign rights” sa Benham Rise at eksklusibong karapatan ang Pilipinas na maghanap at gamitin ang mga nakatagong langis at iba pang mineral resource sa naturang lugar.
Ipinunto ni Carpio na nakasaad naman ang karapatan ng Pilipinas sa Benham sa UN Commission on the Limits of the Continental Shelf bilang bahagi ng extended continental shelf ng bansa.
—-