Sa kauna unahang pagkakataon mula nang magsimula ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) outbreak, nagtala ng zero domestic infection ang China.
Ayon sa National Health Commission (NHC), wala silang naitalang kaso sa Wuhan kung saan unang nagsimula ang COVID-19 nuong Disyembre ng nakaraang taon.
Matatandaan na simula nuong March 10, pinayagan na ring bimiyahe sa loob ng Hubei province ang mga mamamayan maliban sa Wuhan.
Unti-unti na ring binubuksan ang hangganan ng probinsya at pinayagan ang mga malulusog nilang mamamayan na makalabas ng Hubei.
Sa kabila ng kawalan ng bagong kaso, may naitala pa ring 8 kataong nasawi sa Hubei province.
Dahil dito, pumalo na sa 3,245 ang nasawi sa China dahil sa COVID-19 samantalang sa mahigit 80,000 na impeksyon, mahigit 7,000 na lamang dito ang nananatiling may sakit.