Nilinaw ng China na wala itong balak na maging hegemon, o ang magkaroon ng political, economic o military pre-dominance, sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, nais lang makipag-ugnayan sa iba’t ibang bansa, para masiguro ang pagkakaroon ng freedom of navigation at overflight sa bahaging ito ng karagatan.
Ipinagmalaki din ng Tsina na sila ang mayroong pinakamaraming peacekeeping personnel sa United Nations Security Council.
By Katrina Valle | Kevyn Reyes