Nangako si Chinese ambassador to the Philippines Zhao Jianhua na bibigyan ng ayuda ang mga biktima ng Super Typhoon Yolanda.
Ang pahayag ay ginawa ng chinese official kasunod ng pagbisita nito sa mga Yolanda victims sa Tacloban city, Leyte noong Miyerkules.
Kaugnay nito, sinabi ni Department of Social and Welfare Development Secretary Dinky Soliman na patunay ito na nanatiling matatag ang reklasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Nabatid na pinangunahan ni Zhao ang pamamahagi ng mga relief packs sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
By: Meann Tanbio