Pinawi ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua ang pangamba kaugnay sa presensya ng mga barko China malapit sa Pag-asa Island.
Ito ay matapos ihayag ni Magdalo Partylist Gary Alejano na ilang mga barkong militar ng China ang namataan ilang kilometro lamang mula sa tatlong sandbar malapit sa Pag-asa Island.
Ayon kay Zha, walang dapat ika-alarma dahil nangingisda lamang ang mga barko ng China doon tulad ng mga fishing boats na nandoon din sa nasabing teritoryo.
Dagdag ni Zhao, tumatalima ang China sa Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea na nagbabawal sa mga claimant countries na mag-reclaim ng mga hindi pa okupadong isla, reef at shoals.
Giit ng ambasador, ginagawa ng China ang lahat para ma-resolba sa mapayapang paraan ang mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na normal lamang na may mamataang maraming barko malapit sa Pag-asa Island lalo’t kalapit lamang ito ng Subi Reef na okupado ng China.