Nakatakda nang magretiro ang Chinese businessman at founder ng Alibaba online store na si Jack Ma sa edad na singkuwenta’y kuwatro.
Ito ang inanunsyo ng Chinese billionaire kasunod ng pagdiriwang sa kaniyang kaarawan bukas, ika-sampu ng kasalukuyang buwan.
Sa panayam ng pahayagang The New York Times kay Jack Ma, nais niyang ibuhos ang kaniyang nalalabing oras at yaman sa edukasyon na itinuturing naman niyang simula ng panibagong era.
Magugunitang nagpahayag na ng kaniyang interes si Jack Ma na sundan ang yapak ng bilyonaryong si Bill Gates kung saan, magagamit din niya ang pagiging guro sa ingles bago niya itatag ang kaniyang negosyo.
2013 nang tuluyan nang lisanin ni Jack Ma ang kaniyang posisyon sa e-commerce giant company bilang chief executive officer.