Mariing itinanggi ng Chinese embassy sa Pilipinas ang umano’y pangha-harass sa mga Pilipinong mangingisda at ang umano’y masyadong pinalaking isyu kaugnay sa pagpasok ng Chinese scientific survey ship nito sa karagatang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag ng embahada, sinasabi dito na posibleng ilan sa mga pwersa na nagbabantay sa teritoryo ng bansa ang nami-misinterpret ang kanilang itinuturing lamang na ‘normal legislation’.
Bukod dito gumagawa pa at nagkakalat pa ang umano ang ilan ng fake news sa kabila ng pagtanggi ng mga otoridad kabilang ang Philippine Armed Forces na hindi maituturing na “intrusion” ang ginagawa ng kanilang scientific survey ship sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Giit ng mga ito, naghanap lamang sila ng pansamantalang masisilungan o ligtas na lugar dahil sa masamang panahon.