Itinanggi ng Chinese embassy sa inilagay ng China ang Pilipinas sa blacklist nito para sa turismo dahil sa issue ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Nilinaw ng embahada na “misinformation” lamang ang ulat na “tourist blacklist” taliwas sa naunang pahayag ni Senate President Migs Zubiri matapos ang pag-uusap nila ni Ambassador Huang Xilian.
Aminado naman si Zubiri na maaaring nagkaroon lamang ng hindi pagkaka-unawaan o “lost in translation”.
Marahil ang nais anyang iparating ng embahador ay “posibleng ilagay ang Pilipinas sa blacklisted country” na nag-e-engganyo sa mga Tsino na magsugal.
Magugunitang nagpulong sina Zubiri kasama sina Senate Ways and Means Committee chairman Sherwin Gatchalian at Senador Robin Padilla kasama si Huang kamakailan.
Bagaman tinalakay ng mga Senador at Embahador ang issue ng POGO, hindi na idinetalye pa ang ibang napag-usapan.