Nakatanggap ng ayuda sa tulong ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang mga magsasaka at mangingisda sa Nasugbu, Batangas.
Ito ay bilang pagbigay daan sa isinasagawang donation drive sa gitna ng pandemiya bunsod ng Covid-19.
Kabilang sa ipinamahagi sa mga benepisyaryo ang basic necessities, care packages at iba pang supplies na makakatulong sa pang-araw-araw na trabaho ng mga magsasaka at mangingisda sa lugar.
Layunin ng nasabing donation campaign na mapalalim pa ang pagtutulungan at ugnayan sa pagitan ng China at Pilipinas.
Bukod pa nasabing programa, ilulunsad din ng China ang local economic recovery para mas matulungan ang mga pilipinong nangangailangan.
Nangako naman ang China na kanilang ipagpapatuloy ang layuning makatulong sa mga komunidad sa bansa.