Ipinatawag ng pamunuan ng Department of Foreign Affairs si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa gitna ng nagpapatuloy na paglagi ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.
Sa isang pahayag, sinabi ni Foreign Affairs Acting Undersecretary Elizabeth Buensuceso na ang kanilang pag-summoned kay Huang ay para ihayag ang pagkadismaya ng bansa sa hakbang na ito ng China.
Bukod pa rito, ipinapaalam din kay Huang na ang Julian Felipe Reef ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Iginiit din ng DFA ang nakamit na pagkapanalo ng Pilipinas sa High Tribunal hinggil sa desisyon nito sa South China Sea arbitration noong 2016.
Kasunod nito, nagpaalala ang DFA sa China hinggil sa ‘proper decorum’ at ‘proper manner’ kaugnay sa pagtugon nito sa pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sa huli, nanindigan ang DFA na kailangan nang alisin ng China ang lahat ng mga barko nito na ilegal na nasa Julian Felipe Reef.