Isang Chinese fighter plane ang namataan sa South China Sea na siyang unang deployment na nakita ngayong taon.
Ayon sa US Think Tank na AMTI o Asia Maritime Transparency Initiative, nakita ang J-11 fighter sa satellite image na kuha noong Marso 29 sa Woody Island ng Paracel Island Chain.
Kaugnay nito, sinabi ni AMTI Director Greg Poling na hindi malinaw kung gaano nagtagal ang naturang fighter plane sa isla.
Hindi pa nagbibigay ng komento ang Chinese embassy sa Washington hinggil dito.
Samantala, inaasahang ilalahad ni US President Donald Trump sa pakikipagpulong nito kay Chinese President XI Jinping sa Florida, ang isyu kaugnay ng militarisasyon ng mga outposts at pag-angkin ng China ng mga teritoryo sa South China Sea.
By Meann Tanbio
*Photo: CSIS Asia Maritime Transparency Initiative