Nag-courtesy call si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Benigno Aquino III sa Palasyo ng Malacañang.
Ito’y bilang bahagi ng kaniyang working visit kasabay ng nakatakdang pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jinping na kumpirmadong dadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Hindi naman nagtagal ang pananatili ni Wang sa Palasyo at agad din itong umalis.
Una rito, nakipagkita rin ang Chinese Foreign Minister kay Philippine Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ngunit hindi tinalakay ang naging paksa ng kanilang naging pulong na tumagal ng isang oras.
Ngunit batay sa ulat ng pahayagang Straight Times, layon ng pagbisitang ito ni Wang Yi sa bansa ang bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China sa harap ng sigalot sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
By Jaymark Dagala | Allan Francisco | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo from: gov.ph