Nakatakdang bisitahin ni Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Romualdez Marcos Jr.
Ayon kay Foreign Ministry spokesperson Zhao Lijian, kabilang ang Pilipinas sa mga bansang pakay ng gagawing official visit ni Yi simula ngayong araw hanggang bukas.
Si Wang ang pangalawang pinaka-senior Chinese official na bibisita sa Pilipinas matapos si Chinese Vice President Wang Qishan, na dumalo sa inagurasyon ni Pangulong Marcos noong Biyernes bilang special representative ni Presidenti Xi Jinping.
Wala namang ibinigay na detalye ang DFA sa byahe ni Wang pero magkakaroon umano ng bilateral talks ito sa kanyang Philippine counterpart na si Foreign Affairs secretary Enrique Manalo at National Security Adviser Clarita Carlos.
Nakatakda ang pagbisita ng nasabing Chinese official, isang linggo bago ang komemorasyon ng Pilipinas sa tagumpay nito sa International Arbitral Court, na nagpawalang-bisa sa claim ng China sa pinag-aagawang West Philippine Sea, kabilang ang bahaging inaangkin din ng Pilipinas.