Ibinunyag ng Bloomberg Wire Agency na matagal nang ninanakaw ng Chinese-State Sponsored Hackers ang mahahalagang impormasyon sa Office of the President.
Ayon sa ulat, kabilang dito ang military documents na may kaugnayan sa territorial dispute ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Inilunsad anila ito ng hacking group na APT41, at pinupuntirya ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, iba pang ahensya ng pamahalaan, hospital networks at organisasyon bilang bahagi ng kanilang pag-e-espiya.
Sa kabila nito, sinabi ni DICT Secretary Ivan Uy na bagama’t may mga pagtatangka na nakawin ang government data, hindi naman aniya nako-kompromiso ang mahahalagang datos ng pamahalaan. – Sa panulat ni Laica Cuevas