Namataan sa Pagasa Island ang nasa 45 mga Chinese maritime militia ships.
Sa pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ito na ang pinakamaraming barko na naitala o namataan sa bansa ngayong taon.
Matatandaang 2 bangka sa Pilipinas ang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal pero hinarang at binugahan sila ng water cannon ng Chinese coast guard vessels.
Ayon pa kay Esperon, ang mga namataang barko ay nananatili sa Pagasa Island at hindi umano umaalis sa lugar.
Dagdag pa ni Esperon, dapat umanong maghain ang pamahalaan ng democratic protest sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs.
Sa ngayon nagpadala na ng “outrage, condemnation and protest of the incident” ang bansa sa Chinese ambassador to the philippines Huang Xilian at kanyang chinese counterpart sa Beijing, China. —sa panulat ni Angelica Doctolero