Pinabulaanan ng isang Chinese medicine expert ang ilang claims na nagsasabing nakakagamot ng COVID-19 ang tradisyunal na Chinese drug na Lianhua Qingwen.
Ito’y matapos na mapaulat ang pagbebenta sa ilang drug store sa bansa ng naturang gamot at ilan sa mga nakagamit nito ay nagpapatotoong epektibo ito laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Philip Tan-Gatue, hindi nakakagamot ang Lianhua Qingwen ng COVID-19.
Kaya nagbabala si Gatue na huwag basta-basta manniniwala sa mga nagrerekomenda nito at sinasabing pangontra sa virus.
Ani Gatue, aprubado ng Food and Drug Administration o FDA ang naturang Chinese medicine ngunit ito lamang ay para mapaginhawa ang ilang sintomas ng COVID gaya ng lagnat at ubo na may kasamang plema.
Paalala ni Gatue kung bibili at gagamit ng gamot na ito tiyaking mayroong rekomendasyon mula sa doktor upang makatiyak na hindi ito makadudulot ng ibang epekto.